Project Bucket List!
Bata palang ako, pangarap ko na ang libutin ang mundo. Dati nga gusto ko pang maging stewardess. Ah eh, HELLO! Look at me now? Height palang! Pasadong-pasado na! Haha. Anyway, marami pa namang paraan para malibot ang planet earth. Thank you, Seatsale!
Lately, sinimulan ko na ang Bucket list ko. Nakakatawa dahil halos yata kalahati eh may kinalaman sa paggagala. Pinanganak yata akong makati ang mga paa. Kaya eto, ipopost ko muna ang ilan sa mga lugar na nais kong marating habang ako ay humihinga pa.
#1 & #2 Eiffel Tower & Champs Elysees, France
Hindi ko alam kung anong gayuma ang nainom ko kung bakit IN LOVE talaga ako sa France. Kaya nga nag-aral din ako ng French noong college. Dahil siguro sa mahilig din akong magluto. Kaya ayan. Kapag ako ay bonggang may pera, maglalakad ako sa Champs Elysees habang nainom ng kape at kumakain ng baguette at aakyat ako sa taas ng Eiffel tower at sisigaw ng Je t’aime! Oui!
# 3 Gondola sa Italy
Dahil mahilig akong magluto at manood na rin ng foreign films, ayan nagustuhan ko na ang Italy. Mas exiting syempre kung ang byahe ay gamit ang gondola. Hmmm! Delicioso!
#4 Parthenon, Greece
Hindi ko lang siguro nababanggit pero bukod sa geography, favorite subject ko rin ang history. Kaya alam kong naging malaking bahagi ng kasaysayan ang lugar na ito. I want to visit this place and I want this place to take me back in time.
#5 Statue of Liberty
Sabi nga nila, pangarap daw ng maraming pinoy ang magkaroon ng green card at tumira sa Amerika. Ako, simple lang ang pangarap ko. Yan ay magpapicture kay mareng Liberty. Yun lang solb na ako!
#6 Taj Mahal, India
Sabi sa history books, gift daw ito ni Shah Jahan sa namatay nyang asawa. Ginawa para maging mausoleum nito. Sweet! Pupunta ako rito para mahawa rin ng kasweetan nila. Haha!
#7 Great Wall of China
Syempre naman. Malaki rin ang bahagi ng Pader na ito sa kasaysay ng China at mundo. Kaya nga gusto ko rin maglakad dito mula umpisa hanggang dulo.. Joke lang! haha. Syempre di ko naman kaya yun. Ilang steps lang ayos na ako. Sabi kasi nila, kapag nastretch daw ito, malilibot daw ang mundo. WOW!
#8 Hachiko (sa Japan)
I think ang pangarap na marating ang lugar na ito ay hindi naman talaga sa akin. Pero dahil pangarap ko rin namang marating ang Japan at makapagpapicture sa students ko, pupuntahan ko na rin. Ayan! Hitting two birds with one stone! Ayos!
# 9 Magbike sa South Korea
Yes! Magbike talaga. Dahil yata sa kakapanood ito ng Korean novelas eh. Dapat sana ngayong April magagawa ko na yan, pero dahil hindi na approve ang visa ko, next year nalang. Promise. Magagawa ko rin yan. Nasa akin pa rin ang huling halakhak. Hahaha
#10 Alicante, Spain
Yes, Alicante Spain nga! Sosyal diba. Isang lugar sa Spain na kapareho ng apelyido ko. Dyan siguro nanggaling ang mga ninuno naming Kastila. Kapag pumunta ako dyan, magpapakilala ako. Ano kayang magiging reaction nila? exciting!!
Ilan lang ang mga iyan sa mga lugar na nais kong marating. Maraming-marami pa. Kung pwede, lahat nga mapuntahan ko. Masarap magbyahe. Marami kang makikilala at matututunan. Pero higit sa lahat, doon mo marerealize na gaano man kaganda ang mundo, iisa lang ang tahanan mo. (EMO!) <3 <3 <3
Last Valentine’s Day, I baked simple chocolate cupcakes and brought them to the office. Got some nips, milk kisses, sprinkles, and chocolate frosting and viola! Instant cupcake decorating session.. ♥ (photos from Larry =P)
Button Theme